Monday, August 30, 2021

Pangungulila

 Ba't ang dali sayo na ako'y iwanan?
Ba't ang dali sayo na ako'y saktan?

Ang sabi mo ay sabay tayo
Pero nasan ka?
Nasan ako?

Ang bilis mong lumakad
Ang bilis mong tumakbo
Ang bilis mog umalis
Tinanong mo ako bakit di ako sumunod

Hindi ko nga alam na umalis ka
Hindi ko nga alam na lilisan ka

Ang sabi mo ako lang
Ang sabi mo tayo magpahanggan

Nag-away tayo
Oo, kasi hindi tayo perpekto
Inaway kita kasi nasasaktan ako
Alam kong marami akong pagkukulang sayo
Na marami akong hindi inunawa sayo

Pero parte 'yun sa bawat relasyon
Kailangan magkamali para matuto
Hindi ako perpekto
Pero ang pagmamahal ko sa'yo ay buong-buo.

Hindi kayang burahin kahit na sino
Kahit humadlang lahat ng tao
Ipaglalaban ko ang puso ko
Na inilaan lamang sa'yo

May pagkakataong gusto ko ng sumuko
May pagakakataong gusto ko nang maglaho
Pero eto ako naghihintay na mapatawad mo
Andito ako naghihintay na balikan mo

Walang makapagbabago non
Kahit kompyuter hindi kayang burahin ang pagmamahal ko sayo
Kasi the file is too large, though.

Kahit gamitan mo ng eraser
o ng ibang pampatanggal nito
Ang pagmamahal ko'y mananatili sayo.

Kaya masakit sa akin ang mga nangyari
Mahirap sakin na 'di ko mawari

Lagi kong tinatanong ang Puong Maykapal
Kung ano ang matindi kong kasalan
Ba't ako ngayon ay nasasaktan

Umiiyak akong humihingi ng tawad
Umiiyak akong humihingi ng isa pang chance
Nagdarasal na sana'y panaginip lamang 'to
Na sana'y gisingin mo ako

Ako ay nababahala sa mga mangyayari sa hinaharap
Dahil di ko maisip na hindi ikaw ang aking kaharap
Sa simbahan na aking pinapangarap
Sana'y matupad at ako'y mahanap

Alam kong nalilito ka,
At alam ko rin na may tayo pa
Dahil itaga mo to sa bato
Hiningi ko na ang mga kamay mo.

Kaya naman mahal, patawarin mo na ako
Pagkat labis ng nagdurusa itong aking puso

Nangungulila sayo
Nangungulila sa pagmamahal mo.

No comments:

Post a Comment

Pangungulila

  Ba't ang dali sayo na ako'y iwanan? Ba't ang dali sayo na ako'y saktan? Ang sabi mo ay sabay tayo Pero nasan ka? Nasan ako...